I hate to miss.
Wednesday, May 13, 2009
Matagal rin akong nawala, naging busy out of nowhere rin kasi at pinagawa ko na rin kasi yung laptop ko. Ayun, ayos. Sana makuha ko na siya by tomorrow. Namiss ko na e!
May 9 (Sat)
Nothing much for this day, maghapon akong walang ginawa. Dinaan ko sa ps2 yung inis ko kasi di pa rin kami ayos. Natulog ako hanggang 4. Nung 5pm, umalis ako magisa at nagpunta ng SM Bac. Nagpakuha ako ng 2x2 picture para sa UPCAT form. Ayun, nagikot ako magisa sa mall. Mga 8, nasa bahay na rin ako. Ayun, wala akong magawa put of boredom. Later part of the night, I tried my best to approach and fix it, pero tinulugan nya ako.
My mom brought home a brazo de mercedez cake and a dark chocolate cake. Bagong favorite ko na to! Sa birthday ko ah? :p
May 10 (Sun)
I was never sweet. I am a very timid person when it comes to my mom. My mom is also my dad. She has been a single parent for so how many years now. And I love her to pieces. Happy Mother's Day sa Mommy ko! At sa lahat ng butihing ina nyo, Happy Mother's Day!
Wala parin akong ginawa maghapon. Naisipan ko ishoot yung mga naggagawa sa harap namin, yung worker ng Mercury Drug Store. Agaw attensyon e. Haha! Nanood lang ako ng Bokura ga Ita sa DVD ko. Tas nagsimba nung gabi. Ms. Earth nung gabi, di ko alam kung sino nanalo. :p
And since 8 in the evening until I closed my eyes., I was crying. Ayun, pinilit ko pigilan yung sarili ko. The 4th time Gerome made me cry. Pinilit namin/niya/kong ayusin pero hindi nga siguro ganun kadali. Inintindi ko sya sa kung anong rason meron sya.Hindi ako nagalit sa kanya, hindi ako nanumbat. Gusto ko lang na magsorry sya at hahayaan ko sya sa kung anong gusto nya. Hindi ko naman sya pipigilan e. Hindi ko na rin ieexpect kung babalik pa nga rin sya. Sobrang nadisappoint lang ako. Hindi ko parin maintindihan kung bakit malaki ang epekto ng isang bata sa buhay ko. Ayun, at tumigil na nga si Gerome. :(
Nakatulog ako, 15 mins before 5 na.
May 11 (Mon)
walang tulog, iyak. Magang mata. O_O
Ms. Zonerie ang teacher namin, sobrang dami ng absent. Mabait naman sa Ms. Zonerie, hindi nga nagagalit kahit maingay na e. Magaling sya magturo kahit mahina boses nya. Friendly sya. At memorable siya kasi 11:40 palang, dismissed na kami. Ayun, tambay sa CMG kasama Espalda saka si Annel. Nagkwentuhan lang tungkol sa mga balak sa buhay, tas nagpakita lang kami ni Annel kay Eliz, kumain kami sa Mcdo tas umuwi na rin ako. Tulog ako agad. Di kami nakapunta sa Las Piñas.
Ayun, nagnet lang ako nung kinagabihan. Pinanood ko sa ABS-CBN yung BOF nila. Titingnan ko kung maganda yung dubbed, grabe. Panget! Sorry, no offense. Pero, hindi talaga pinili yung dubbers. Pinalayo sa original voices ng characters. Tsk.
May 12 (Tues)
Triny parin ayusin, walang magbabago? Hirap ibalik.

Today is UPCAT Form day. :) [pero May 13 kami binigyan sa school, yehey. Salamat kay Sir Andrew na ubod ng bait]
Kahit masakit ang puson ko, nagpunta kaming Las Piñas ng lola ko at ni Dominic. Nagpunta kami sa shop ni Tito Chito at pinagawa na naman yung laptop ko tas pinamodify na rin namin yung psp ng isa ko pang pinsan. After nun, kumain kami sa KFC (one of the best KFCs I've been). Tas naglibot lang sa Starmall. Umuwi na rin nun after. Nagps2 lang kaming magpipinsan buong gabi. :)
May 13 (Weds)
Maaga akong nagising. Whoa. Ms. Dianne Malabanan. Logic and Abstract Reasoning teacher. May edad na sya, Haha! Medyo na-imagine ko agad si Ms. Jean sa kanya. Ang bilis nya magsalita, pinagsayaw nya ako sa harapan kaya memorable rin sya. Di ko lang sya masyadong trip, ewan ko bakit. Haha. 12:30 na halos kami nakalabas ng Review, mamimiss namin si Sir Andrew! :)

Ayun, tas medyo natuwa kami magphotoshoot ng ty4 bago kami sunduin ng daddy ni Ciarra. SUPLADO! Anyway, hinatid kami ni Tito Reggie kina Ate Addah. Dun na kami naglunch. Sobrang sarap nung kinain namin! Lugaw intsik raw tawag dun e. Sobrang galing talaga magluto ni Tita Thelma e. Haha! Tas yun, daming kwentuhan. Sobrang laughtrip. Usap CAT. Nood ng Bud Brother's tas bike Sessions. :) Nag-bike ako. :p
Tas yun, kwentuhan lang sa may garden tas around 5, umuwi na rin kami. Lucky ako at pinahiram ako ng pinsan ko ng laptop nya ngayon. Kaya ako nagblog. Yehey. Go laptop! Miss ko na yun e. Sana gawa na sya bukas. :)
- - -
"Paiba iba na ang mundo drei. Masanay ka na sa mga pagsubok na haharapin mo. Kasi malay mo di ba, may mas mahirap na pagsubok na dumating. Sumuko ka agad.. Relax, set your mind free.. Then, yoga! Yes! Indeed drei. Try mo. Masaya yata. Wag mo na isipin yun. Kailangan mo lang masanay." - Gerome.
(May 12)
--> Happy Birthday Alden Acosta
--> Happy Birthday Aaron Ricafrente
--> Happy Birthday Ate Denesse Rodriguez
(May 13)
--> Happy Birthday Ate Natasha Acosta
May 9 (Sat)
Nothing much for this day, maghapon akong walang ginawa. Dinaan ko sa ps2 yung inis ko kasi di pa rin kami ayos. Natulog ako hanggang 4. Nung 5pm, umalis ako magisa at nagpunta ng SM Bac. Nagpakuha ako ng 2x2 picture para sa UPCAT form. Ayun, nagikot ako magisa sa mall. Mga 8, nasa bahay na rin ako. Ayun, wala akong magawa put of boredom. Later part of the night, I tried my best to approach and fix it, pero tinulugan nya ako.
May 10 (Sun)
And since 8 in the evening until I closed my eyes., I was crying. Ayun, pinilit ko pigilan yung sarili ko. The 4th time Gerome made me cry. Pinilit namin/niya/kong ayusin pero hindi nga siguro ganun kadali. Inintindi ko sya sa kung anong rason meron sya.
Nakatulog ako, 15 mins before 5 na.
May 11 (Mon)
walang tulog, iyak. Magang mata. O_O
Ayun, nagnet lang ako nung kinagabihan. Pinanood ko sa ABS-CBN yung BOF nila. Titingnan ko kung maganda yung dubbed, grabe. Panget! Sorry, no offense. Pero, hindi talaga pinili yung dubbers. Pinalayo sa original voices ng characters. Tsk.
May 12 (Tues)
Triny parin ayusin, walang magbabago? Hirap ibalik.
Today is UPCAT Form day. :) [pero May 13 kami binigyan sa school, yehey. Salamat kay Sir Andrew na ubod ng bait]
May 13 (Weds)
Maaga akong nagising. Whoa. Ms. Dianne Malabanan. Logic and Abstract Reasoning teacher. May edad na sya, Haha! Medyo na-imagine ko agad si Ms. Jean sa kanya. Ang bilis nya magsalita, pinagsayaw nya ako sa harapan kaya memorable rin sya. Di ko lang sya masyadong trip, ewan ko bakit. Haha. 12:30 na halos kami nakalabas ng Review, mamimiss namin si Sir Andrew! :)
- - -
"Paiba iba na ang mundo drei. Masanay ka na sa mga pagsubok na haharapin mo. Kasi malay mo di ba, may mas mahirap na pagsubok na dumating. Sumuko ka agad.. Relax, set your mind free.. Then, yoga! Yes! Indeed drei. Try mo. Masaya yata. Wag mo na isipin yun. Kailangan mo lang masanay." - Gerome.
(May 12)
--> Happy Birthday Alden Acosta
--> Happy Birthday Aaron Ricafrente
--> Happy Birthday Ate Denesse Rodriguez
(May 13)
--> Happy Birthday Ate Natasha Acosta
Labels: bonding, gala, heartbroken, laptop, mgtc, mother's day, rundown, tambay, UPCAT, UPCAT review
