End of something.
Saturday, March 14, 2009

Ayun. Isang linggo na naman akong nawala. Updates! Updates! Namiss kong magblog, infairness. Nabaon na kasi talaga ako sa school works ngayon kaya eto.. maghahabol na ako. Panahon na rin para magpahinga, ang sarap matulog!! Ilang consecutive nights na ako natutulog around 2am or 3am. Haha. Kamusta naman yun dba? :)
Projects Galore: Finished!


Salamat aming mga guro sa walang sawang pagbuhos ng mga projects na iniyakan ko pa ng sobra, matapos lang. Haha. Salamat rin sa mga tumulong sakin na kahit papaano, makatapos ng ayos. Salamat sa mga nakikitrouble shooting sakin sa video editing! Salamat sa mga nagoffer ng help, sa mga nagappreciate ng effort ko. Salamat sa inyong lahat. Yes! Tapos na ang mga project. Haha. Di ko pa naayos yung vid ng short film namin, popost ko na lang yung bloopers. =)
NAT Day: Bonding time.

Nung Wednesday, wala kaming pasok. NAT kasi ng second year students (na hindi man lang naranasan ng batch namin). Tas yun.. Nag-MoA kami ni Jacklyn para ipagawa yung cellphone nya kaso, hinde naman nagawa. Ayun. Kasama rin namin si Ate Missy. Trip trip. Saya e. Nag-tram kami for the first time. :)) Naka ilang rounds rin kami dun. Haha. Tas nanood rin kami ng 'You changed my life'. Gusto kasi ni Jacke. Ayun, naiyak pa ako sa ending. Nakakainis. Haha. Ayun, saya nung bonding. =)
Loving hands.
I'd been down for the past few days. Especially last thursday? Basta yun, nung nag-half day ako.. na parang everyone is looking for me. Nakakatouch. And for the person who listened to me, thank you. you know who you are. The people who are willing to listen, thank you sa inyo. Sobrang okay na ako ngayon. :)
Medalists.
Medyo naluha ako ng konti nung nakita ko yung lists of medalists right after iunveil siya.Sa wakas Lord, nakapasok na ulit ako. I missed the chance last year because of the freaking 0.05 points in Math. Ayun, sa wakas.. Thank you Lord! :D
Aftermath.

Wala lang, saya mag food trip kahapon sa Samala. Ayun. Kaming 3 lang nina Jacklyn. Ayos. Saya. :) Trip lang sa Cavite tas umuwi na kami.
Bye Seniors, Bye Junior Life.

Pinapasok ako ng maaga pero hindi ko nagawa. Kahapon ng umaga, kausap ko si Alain.. Gustuhin man namin ng time stopper. Wala. Wala na kaming magagawa kundi pahabain na lang yung araw. Sana ang dami kong ginawa noon pa, nakakainis. Naulungkot ako. Sobrang mamimiss ko yung batch nila.

At Akalain mo? Last regular day na rin namin kahapon bilang mga third year students, masaya kasi puro bonding pero nakakalungkot rin.. Ang bilis ng panahon e. Isang taon na lang, shit. Lulubusin ko na talaga tong lahat. =)
Finals

Exams na namin kahapon sa TLE at CL. Ayun. Goodluck batchmates, love you. :)
(March 10)
--> Happy Birthday Ate Bernice Achacoso
--> Happy Birthday Ms. April Agbayani
(March 13)
--> Happy Birthday Charles Zapanta
Labels: away, bonding, finals, last day, random, rundown, saya
