Unfaded
Thursday, January 22, 2009

May apat na bagay na gusto akong gawin ngayon. As in, super duper. Gusto ko lang talaga gawin. Feeling ko, mahihirapan ako gumalaw .. pag hindi ko nagawa itong apat na to.
* Gusto ko magpunta sa Greenhills at Makati as sooooon as possible. Lord, give me time. Please lang. Hahaha. Bakit ko gusto pumunta? Hahanap lang ako ng prom sandals kasi mas busy na ako next month at saka.. gusto ko magshopping. May mga reregaluhan ako. Period.
* Magkaroon ng sariling kotse. Mukhang malabo. Pero gusto ko na talaga ng van ng sarili ko. Van ah. Hahaha. Gusto ko yung tipong pang-road trip. Haha. Malabo pa ito.
* Gusto ko ng DSLR. Ewan ko bakit bigla na naman pumasok sa utak ko yung dream ko noon na maging photographer, kahit hindi professional. Pero naisip ko na it's more of my passion taking pictures and that what makes me happy. :)
* Gusto ko makapagbasa ng isip. Gusto ko humugot ng lakas ng loob at iwanan lahat ng takot ko. Gusto ko gawin yung lahat ng makakaya ko. Pero, parang mahirap lumaban ng walang sandata.. Parang mahirap kung gagawa na lang ako bigla. Pero, gusto ko lang makausap ka.. Gusto ko ikutin ang mundo at masabi ko nga kaya na bilog ito?
Sorry, malabo nga yata.
Binabasura na ang pangarap ko.
Goodnight.
Labels: future, sulattopak
