Blog since: March 2007 Layout: Swirls Best viewed: Internet Explorer Resolution: 1024X768 Credits: 1234
select
entries
profile
tagboard
links
archives
And you're in my Verona
Welcome to my blog. :) It's nice to hear from you. Hope you enjoy. If not, We'll have to find Romeo and kill him. Not with a poison but with a goodnight kiss.
[Modern Day Juliet]
And when I shall die, take him and cut him up in little stars, and he will make the face of heaven so fine that all the world will fall in love with night and pay no worship to the garish sun.
For all those times.
Sunday, November 30, 2008
Friday
Uh. May Film Showing kami nung SS, 'Kingdom of Heaven' yung pinanood namin. Haha. Ayos, maganda. Maganda rin yung story. Ayos! Tas ayun, okay naman yung ibang subects. Math, tamang usap lang. Uhh. Tas hindi naman natuloy yung quiz sa Chem kasi wala yung teacher. Ayos. :p
Nung kunch, medyo.. nawala ako sa mood. Suffocate. Ayun, nung Trigo. Medyo inaantok ako kaya kahit may topak yung klase e.. mukha akong nageemo. Haha! Hands-on nung TLE tas ayun, nung Physics. Masayang discussion. =)
Nagpunta kami ni Ciarra at Jacklyn sa Cavite. Adventure na naman. Nagpagupit si Ciarra sa F Salon. Maganda yung bago nyang gupit. Haha. Tas, ayun. Magsa-Samala sana kami e. Kaso, hindi natuloy. Kumain lang kami dun sa tabi nung clinic ng mommy ni Ciarra, tas nanlibre ako ng ice cream. 7 na rin ako nakauwi.
- - -
Saturday
Anak ng! Late ako nagising! 4:30 na ako nagising.. Anak ng..
Anyway, ayun. Wala naman masyadong nangyari. Maliban sa isang tragic accident. Oo, sobrang nag-aalala ako. Kahit parang wala sa lugar, nagpakita ako ng lungkot. At siguro, dahil din sa nangyari.. Sumusbsos ako sa lupa at halos hindi na ako makatayo. Ayoko ng nasisi ka ng iba sa isang bagay na..
Ayun, General Cleaning.
- - -
Ayun, 11am sa Mcdo.. Filipino time. Halos magaway away na kaming lahat nung na-late si Bronx? Nakarating na sya sa Noveleta ng 12 na. Sorry Bronx ah! Ayun, enjoy nung Trip. Kwentuhan sa kotse. Ayun, mga 1:30 na rin kami nakarating sa MoA. 2pm na rin kami kumain, sa foodcourt. Sa sobrang dami ng gusto manood ng Twilight, naghiwalay na kami into two separate groups. Ayun. 4:55 pa kami makakanood.
Gadgets stores, Timezone.. Ayun, sayaonding e. Haha. Lalo na sa Photo Booth. Tas yun, gala lang.. Starbucks, Krispy Kreme. Sobrang enjoy. =)
Ayun, 4:20, nasa Cinemas na kami. Excited. Ako kasi, walang idea sa story. Pero tama.. magbabago yung tingin ko sa Twilight after Watching. I just loved the movie. Oo, mukhang kulang talaga yung funds.. pero, ngayon ko lang narealize na maganda yung story ng Twilight. Di naman ako ganon ka-fan ngayon or obsessed na or something. It's just that.. I'm so looking forward to read all the books and see for myself. I loved the movie. Period. =)
Ayun, tambay sa foodcourt. Tas umuwi na rin kami. Ingay sa kotse e. Haha! Bonding at kwentuhan. Love you ty4. :) Nasira lang lahat ng moments namin dahil, may freaky shit na nangyari kay Ciarra, may nangmulto sa kanya sa car? Whoa. Ayun, mga 9 na rin ako nakauwi..
- - -
Sunday
Nothing much.
Nag-away kami ng mom ko.
Nagpunta si Jacklyn samin, ayun. Kinuha nya yung Krispy Kreme nya. Tumambay lang kami sa Mcdo. Sobrang daming kwentuhan e! Nakakamiss yung mcdo moments namin. Haha. Foodtrip. :p Tas ayun, pumunta sa countryside. Nandoon lang kami kina Regine. Stalking. Nanonood sila ng Gossip Girl e. Bonding with the three girls. Saya. =)
I know what I exactly want this year; All I want for Christmas is you. :)
- - -
25 days left before Christmas, naeexcite na ako MagPasko kasi syempre, birthday na ulit ni Jesus Christ. Pero, yung fact na mabilis yung oras? Ayoko harapin yun. Anyway, eto ang aking 'mumunting' wishlist ngayong Pasko. :p
*Canon Powershot SX10is Narealize ko lang na pag College na ako, dun na ako bibili ng DSLR. For now, Siguro, ito na talaga yung perfect camera na para sakin. I guess, yung features nya, pasado na sakin lahat. And it's zoom? It's love.
* Nintendo Wii Siguro, totoo nga na pag tumanda ka, dun ka lalo maadik sa game consoles kasi syempre, namimiss mo yung childhood times mo e. Haha. Wala lang, gusto ko ng Wii. :)
* Portable DVD Player Haha. I know dear, I'm such a loser. Eh sa sobrang hilig ko manood ng dvd, gusto ko yung portable e. Para anywhere. Haha. Rotatable please. Kahit 180 degrees lang. Pero 360 is better of course :)
* Playstation 3 PS3! PS3! PS3! Haha. Isa talaga to sa mga pinakanakakapaglaway na bagay para sakin ngayong Pasko.. Haha! Kahit 20gb lang, okay na. KAhit nga PS2 e, pero PS3 is way better pa rin. :)) Haha. Ang demanding ko, sorry. *PSP Games (UMD) Sorry, ang adik ko ah. =))
*DVDSSSSS. Oo, "sssss" talaga. Marami. =)) Haha.
* Vic Firth Drumsticks The one for snare drums please. :)
*Backpack Leather brown or black. :)
* Twilight, New Moon, Eclipse and Breaking Dawn Books. Okay, hindi naman ako obsessed or something. I just loved how the Twilight Movie turns to be and I'm planning reading all the books to see how the story goes. Hindi naman ako masyadong fan, pero I just loved the story. Ngayon ko lang talaga narealize. Haha!
- - -
Pwede parin ang..
*Havaianas (Maganda kung 2009 edition, haha) * Chucks (collection ko?) * Nike Air Force One (hindi ito sapilitan haha) * Hoodies (collection ko rin? haha) * Krispy Kreme One Dozen (glazed chocolate cake or glazed blueberry) * Pringles (Original Flavor) * Skittles (Original Flavor) * Yellow Cab 18" Manhattan Meatlovers * Statement Tees * Lanyards * Vans T-shirt. :D
Huwag kang matakot, di mo ba alam nandito lang ako, sa iyong tabi.. Hindi kita pababayaan kailanman. =)
- - -
Nabadtrip ako nung umaga, when I say.. badtrip, badtrip talaga. Alam na alam mo na hindi ako magreresponse kasi halata namana sa mukha ko. Alam ko na may times na sumosobra din yung bait ko sa isang tao, to the point na abusado na talaga. What I wish is that.. when you borrow things from me, make sure na iniingatan mo yung mga bagay na yun. Kasi, lahat ng bagay para sakin, may sentimental value na. Where's my workbook? :(
Bye Alain. Hindi na kita seatmate. Haha. Sayang eh no? Kainis kasi.
Ayun, medyo umayos na rin yung mood ko afterall.. Nung lunch, medyo may topak na rin ako. Haha. Kung ano anong kalokohan ni Bronx. Haha. Ayun,ng nung PE, ayos lang. Twister. Saya rin. Haha. Ang init kasi. Nung Logic at English, tamang discuss lang.
"Parang ano lang yan e, kung sa tingin mo e, tama yun.. at yung lang ang paniniwalaan mo, mali ka. Pero kung iintindihin mo ang mga maling bagay, maraming tamang bagay ang matutunan mo."
Tambay lang sa CMG. Ayun, napakaloko ni Ar Ar at Jem. Puro pustahan ang aming ginawa. Haha! Mga katripan kasi e. Tas kwentuhan. Ayun, sabay sabay na kaming umuwi. One of the boys na naman ako. Haha. :p
Ayun, pasahan na ng scrapbook bukas. Badtrip..
- - -
Mahirap. Mahirap talaga. Ngunit kahit ano pang sabihin nila, iwanan siya'y di ko magagawa.
Drunk = late. Dagdagan pa ng magisa ako sa bahay, so yun. Late ako. Warning na ako for suspension. Tsk. Anyway, may hangover ako.. ayun. Medyo naliliyo parin ako nung umaga at inaantok. Halos lahat ng subjects eh tinulugan ko lang maghapon. Ayos. Solved.
Lahat ng exams ko? Medyo okay naman, medyo convinced na rin ako sa score ko sa Trigo kahit malungkot parin ako. Yung iba naman, ayos. Pwede na. Yung TLE? Ewan ko, nakakafrustrate lang paguasapan yun.. Ayun.
Maaga ako umuwi tas gumawa kami ng aking mother dear ng scrap book. :)
- - -
Tuesday
Nasa good mood ako. :) Ang dami kong ni-note-an na tao. Haha! Ewan ko, act of thoughtfullness siguro, marahil.. baka. Ayun, maghapon lang nag-advice si alain sa akin. Grabe, napaka reflective nung mga sinasabi nya. "Bakit mo kailangan ipagpabukas ang kaya mo namang gawin ngayon?" Haha! Tas meron pang.. "Bakit ka matatakot kung alam mo naman na wala kang pagsisihan sa huli?" Lupit talaga! Haha.
Daming bagong lessons. Nakakasabaw na naman. :(
Nung hapon, after dismissal, nagpunta kaming Cavite nina Jacklyn, Tomo at Coise. Binista namin si Sam. Sobrang adventure nga e. Tas si Tomo, feeling niya, mawawala kami sa Cavite, atat na atat umuwi. Haha. Ayun, buti at okay na si Sam. Thank you Lord. =) Mga 7 na rin ako nakauwi..
Ayun, daming schoolworks nung gabi. Err.
- - -
Wednesday
4hours sleep? Bakit? Ewan ko rin e. Kabado?
Maaga ako pumasok, yun.
Daming teachers yung absent. Wala kaming Physics teacher so halos free time lang. Haha! Nabadtrip pa nga ako dun sa sinasabing favortism e. Tas nung Filipino, nainis rin ako sa naiinis naming guro so natulog lang ako. Haha. :p Nung Trigo naman, tamang discussion lang. Tas nung Math, ang daming nadiscuss ni Sir Emboy, infairness. I like that. =)
Nung hapon, wala lang. Mainit. New seating arrangement. Nagpaka moody rin ang isa sa aming mga guro. Ayos. Grabe, solved talaga hapon ko sa sermon. Nawala antok ko dun. :p Haha. At nung Logic, wala ulit teacher. Hi Ms. Vidal. =)
Tas nung uwian.... uhh.
- - -
Surprises?
Nasurprise ako nung monday lunch. Fresh pa sa memory ko. Nang bigla akong yakapin ng isang partciular na tao mula sa likod at sinabing.. "kung ako talaga ang papipiliin, ikaw na talaga." Natouch naman ako dun. Sana nga lang..
Nasurprise rin ako kasi, yung mga taong akala mo e.. puro kalokohan lang yung alam eh sila pala yung magaling magpayo sa mga seryosong panahon. Ayos.
Nangsurprise ako ng tao? Ewan ko, baka.. marahil.
- - -
School works.
Scrapbook to be passed on Friday. 2 book reports. Uhh. Let's enjoy life.
- - -
Twilight
Today is the official date that Twilight will be seen in Cinemas nationwide. Manonood yata kami sa Sabado sa MoA? Oo nga yata. Ayun, kahit di ako 'Vampire' eh manonood ako. Maganda kaya yun? =)
- - -
Life is changing so am I. I faced my fear and so you are. Everything from now on, till tomorrow will change. Everything will change, probably. Close your eyes and let your mind escape into a world of dreams. I won't wake you. Forget about tonight. Tomorrow will be here so soon. Once upon a time so seems like a fairytale, I guess for us, it's true. =)
Isang malaking joke pag sinabi kong.. hindi ko sila namiss. 3 months rin akong nawala sa mundo na ito.
Went today (actually november 24 ko na to tinype) to SM Soutmall with Ate Klai. Ayun, adventure.. Alam ko naman kasi kung paano pumunta sa Southmall pero, first gig namin to sa Las Piñas. Ayun. Haha. Medyo natraffic kami, pero okay lang.. muntik pa wala phone ko sa bus, tsk.
Ayun, nagstroll muna kami.. National Bookstore tas ikot lang konti sa department store, nagpunta na rin kami dun sa event place. Early birds ang mga lolo mo. Haha. Para lang akong girlfriend ni Alden kasi.. nung nakita ko sya, sinabayan nya naman ako maglakad. =)
Dami ring tao, ayun. 6 songs. Cute ni aaron e. Haha. Pero si Alden, namumulubi na kasi nakikihiram ng chucks o. Haha. Ang hyper nung mga magkakapatid na nasa likod namin ni Ate Klai, asar. Ayun. Saya nung eye to eye o. :p
Ayun, nung paalis na, nagusap lang kami ni Alden kahit naglalakad na sila at nagmamadali (Yon! Salamat Ryan!) Haha. At tama nga naman, iba na rin siguro pag special? Joke. Haha! Nakita ko in pala si Tito Ricky kahapon.. at si boloy? Sarap pagtripan. :p
Si Cipriano?
Tumataba, aminin. :p
Ayun, kumain sa KFC (sobrang gutom ako) tas mga 7.. umalis na rin kami sa Southmall. Freaky takaga sa Zapote, ayun. Anyway, mga 8:30 na, dumating na kami kina Ate Jewel, ayun. Nagukat ako kasi andun rin yung ibang kabatch ko na lalaki. Haha. Napasabak ako sa matinding inuman at.. naubusan na ako ng chaser! Marami rin akong nainom, aminado ako. Ayun, di ko natandaan yung mga nangyari.. ang tanda ko lang, ang high ko.. pero nahatid ko pa nga si Maam Faustino e, pero.. oo, nalasing ako. :p
Tulog ako agad paguwi, halos. Haha. Mga 10 na kasi ako nakauwi.
Ayun, Exams namin? English, TLE at Chemistry. Yung English, ayos lang naman. Yung TLE, as usual, nagtodo effort ako. Nag-aral ako ng maigi pero kulang parin. Gustuhin ko man na itry sana iperfect para mabawi ko yung 86, mukhang nafail ko. Hindi ko alam yun writing output. Hay Programming nga naman. Ayun, yung Chem, ayos lang rin.
Tas tumambay sa CMG, kasama sina Annel, Jirah, Ar-Ar, Jessica, Jem at Balde. Ayun, wala akong uwing libro. Nag-aral ako dun sa kubo pero.. nalipad yung utak ko. Wala kasi ako sa tamang katinuan. Puro katripan pa si Ar-Ar. Katawa e. Ayun, nagkwentuhan lang kami. Hiningal ako sa kakatawa at inataka ng ubo. Puro kainan ang ginawa namin. Haha. Mga bandang 4, nagpunta na kami nina Jirah kina Jan2.
Ayun, umatake yung ubo ko ng malupit. May asthma nga ba ako? Wala ah. Ayun, naiiyak na ako dun kina Jan2 sa sobrang ubo. Tinuruan ko parin sila. Mukhang may naintindihan naman sila? Sana. Haha. At nung nagkatamaran na rin, nagtakutan na ulit kami. Muntanga si Ar-Ar e. Haha. :p Ayun, saya. :) Mga 8 na yata ako nakauwi? Nag-aral lang ako hanggang makatulog. Yon.
- - -
Friday
Inuubo parin ako. :|
Sabi ko, maaga ako papasok kasi wala akon uwing libro sa Filipino, medyo nalate naman ako. Pero nadalian parin ako sa Filipino, ewan ko bakit.. Yung Logic, mahirap yung essay at pagbibigay nung obverse at converse. At yung Trigo? 27 points na yung nawala sakin. Wala akong siguradong sagot sa Test I at II. Nagtalo pa kami ni.. Nagalit tuloy sakin. =) Ayun, nagkkwentuhan lang kami ni Alain nun e. Dinadaan lang ng klase sa tawa, at halos kalahati ng Argon eh.. nahirapan? Diba? Ayoko lang talaga nung cinocompare ako sa iba. Period.
Ayun, pumunta ty4 sa bahay namin. Kumain ng lunch, sabi nila masarap nga raw ako magluto ng tapa at sisig. Yeah! Ayun, niraid nila yung kwarto ko upang manghiram ng damit, pumunta kami kina Ciarra, tas yun. Nagphotoshoot sa Remelville. Ako yung photog. =) Masaya naman, at one point in time, tinupad nila yung one of my most frustrating dreams ko. Eto pala yung ibang shots:
Ayun, tas nagMcdo kami. Kumain lang tas kwentuhan. Puro kalokohan. Tamang bonding lang. Nakakamiss yung mga ganitong panahon. Hindi ko kasi sila kasection e. Anyway, ayun. Dumating rin pala si Anj. Haha. Dumaan ulit sila samin tas pinapunta ako ni Jacklyn sa kanila, ayun. Kwentuhan sa kubo kasama si Coi, mga 8 na ulit ako nakauwi.
At nasagasaan nga pala si Sam ngayong araw, sa may Ronquillo sa Cavite dba? Buti nalang at mabait si God, niligtas ka nya. Kaya nga ba pag sinabihan kita ng 'ingat', mag-ingat talaga kayo ah? Ingat. - - -
Saturday
Late ako nagising, 4 on the dot. Oo, late to sakin. Nakaramdam ako ng malamig na paligid, at hindi tumitigil ang pagtakip ko ng bibig. In simpler terms, may sinat na ako. Medyo mainit na ako. Nanginginig ako habang nagaalmusal sabi ng lola ko. Pero pumasok parin ako. Ngayon lang ulit namin naabutan ni Jan2 na sarado pa yung gate. :p
Ayun, mga 5:30 na pero konti parin kaming mga kadete. Gusto ko magtanong nung time . yun. Gusto ko magsalita pero wala akong magawa. Ayun, tas napaiyak na naman ako sa nararamdaman ko sa katawan ko. Nagdesisyon na talaga ako kanina, I give up. Oo, ayoko na. Lugi. Siguro kasi, kahit gaano ko kagusto yung bagay na yun, kung hindi talaga para sakin, hindi talaga.. Ngayon lang nangyari na sumuko ako agad sa maikising panahon. Ayoko na. Bahala na kung saan ako makakarating. Ayoko na rin naman ng nageexpect, so wag na lang..
Tamang drills lang kanina. Laban. Saya. =)
Hindi ako nakasama sa SM kanina kasi nagpahinga lang ako, ssorry na. Pero sa pagiging bed ridden ko, pinilit kong hanapin yung mga libro ko ng Bob Ong noon, yung Paboritong Libro ni Hudas yung nahanap ko, ayun. Binasa ko ulit. Haha. Natapos ko in 3hours. =)
- - -
Narealize ko lang.
Gusto ko maging lalaki? Gusto kong maraming ginagawa, parang marami silang advantages, ewan ko.. Siguro kasi dumarami yung nagiging kaibigan kong lalaki kaya ako nagkakaganito, narealize ko lang na parang ang isang lalaki, model sya of all wisdom, words, actions at faith.
It feels like you’re a million miles away, As your lying here with me tonight. And I can’t even find the words to say , I can’t find a way to make it right. And we both know that the stories ending , We played the part but we’re just pretending.
- - -
November 18
Puro review. Blahblah. Ngayon lang ako nag-aral ng CL, tamang review lang sa lahat ng subjects. Walang masyadong ginawa, ayun. Nung lunch, nagusap usap ang ty4 at kakain yata sila dito samin sa Friday. Haha! Matitikman na rin nila ang luto ko.. sa wakas. Haha! Ayun, tas basta, nasa mood ako. :)
Nung Trigo, puro kalokohan e. Haha. Lalo na yung 50cent. Haha. Anyway, nung TLE, uhh. Graded Recitation. Uhh, di ako nakataas ng kamay. Haha. Yaan na nga. Yung CL Exam? Madali lang naman. 30 minutes ko sinagutan, tas mga about 25minutes, tulog lang ako. Nakakahiya nga e. Ginising pa ako sa harap ng buong klase. Uhh.
Ayun, nung uwian.. uhh. Deretso kina Jan2, nagpaturo kasi sila. Ang kulit. Wala naman rin akong masyadong alam sa Math. Kumain lang sila. Haha! Ayun, nung tinamad na kami lahat mag-aral, nagkwentuhan kami ng mga nakakatakot na based sa exeriences namin. Ayun, tas biglang.. may nakita si Alain like.. ayun. Nagsigawan kaming lahat. Haha! Nagpaxerox lang tas umuwi na rin kami. Mga 7 na rin nun. Porma nga pala, wala akong uwing Physics book. =)
Blah. Nakatulog ako habang nagaaral. Sa living room lang ako natulog. :|
- - -
November 19
Napakaaga kong pumasok. Yun.
Mahirap yung multiple choice, table at yung isang essay sa Social Studies, grabe. Ayun, uhh. Yung Physics, ang mahirap, yung ibang enumeration at yung mga essay. Nakakaubos ng braincells. At yung Math? Seryoso. Ang linis ng answer sheet ko. 3 pages lang yung nagamit ko out of 5 di tulad ng dati. Parang uh.. 20points lang dun yung sure ako? Hello, pasang awa grade. :|
Ayun, tas nagstay ako saglit sa school. Kausap ko si Jem sa room namin, tas sa kalagitnaan nun, ng aming seryoso na paguusap. Nararamdaman ko na may parating na mga bisita mula sa aking mga mata. Ayun, tama nga naman ang pagkumpara no? Langit ka, lupa ako. Ano nga naman ako no? Tama yun, at nung umalis si Jem saglit, naramdaman ko basa na yung mga pisngi ako. Oo, masakit e.
- - -
Tama nga ang sabi ng kuya ko, di dapat masyadong binibigyang pansin yung great happiness na madarama mo minsan, dapat itago mo na lang yun sa puso mo habang buhay, dahil ang great happiness, pag nawala, masakit. Doble pa sa sakit na madarama mo sa isang matagal na kasiyahan. Oo, masaya ako, masakit eh.
Woke up before 5, nagpunta kami sa Manila Doctors Hospital ng mom ko. Ayun, dun kasi inoperahan yung lola ko kahapon. May follow check up kasi sya. So, ayun. First time ko nga pala makapunta dun. Haha! Nagutom ako so nagMcdo ako, K. Haha. Adventure. Gumagala ako sa UN Avenue magisa. Haha. :p
Ayun, mga quarter to 11am, umalis na kami ng hospital. Dumaan ng DFA saglit tas kinuha na yung passport ng lola ko. Ate lunch at Mang Inasal. Ayy, share ko lang.. Ang weird dun sa Mang Inasal na yun. Sa lahat ng nakainan ko, iba yung ambiance ko dun. Pero, iba din yung panglasa ko sa Mang Inasal na yun. Haha! Tas yun, dumaan lang ng SM Bacoor saglit. Nagpaprint ng pictures for scrapbook, National Bookstore, stroll.. tas umuwi na rin.
Natulog lang ako for 2hours. Haha! Tas yun, daming gagawin. May exam nga pala ako bukas, wala akong uwing libro. Magaaral ako ngayong gabi, kailangan ko bumawi. Uhh. Okay. Exam Week. Bye. Kill me. Lack of sleep. :(
It was a my grandma's operation for cataract today. Thank you Lord at safe naman sya, thanks sa mga nagcocern at nagdasal rin. Her operation was done at 3:30 today. Buti okay na sya. Thank you for your prayers. :)
- - -
Reaction Paper maghapon. Upload. 3rd Mid-Quarter Exams. Scrapbook. Uhh. Too many things to do. :| Pupunta raw kami ng Madocs bukas at DFA para sa passport ng lola ko at consent ko yata? Ayun, aalis raw kami. Buti tapos na ako sa reaction paper. Umalis nga pala ako kanina, nagpunta kami ni Jacklyn kanina sa Cavite City at dun sya bumili ng gamot. Ayun, umuwi na rin kami agad. May tonsilitis kasi sya e. Pagaling. :)
And I know right? Friendster sucks. 1077 friends down to 51. Argh. Ayoko burahin yung account ko kasi 4years na yun e. Daming memories. Haha! Di ko na lang sya bubuksan kasi tatamarin ako. Bye.
So nagising ako around 2am, ayun. Medyo nalate ako dahil sa PSP. Haha! Ayun, medyo hindi tuloy ako nakapili ng magandang upuan kasi occupied na. Kbye. Anyway, mga 4:30, umalis na rin yung bus. Tumabi sakin si Joshe kasi wala akong seatmate. Long trip. Sobra.. Kung anu ano yung pinagsasabi ko habang nasa trip kami. Haha! Ayun, nung nagstop over kami.. Nahihilo ako konti tas sumakit rin yung tiyan ko kaya tahimik lang ako dun sa bus. Haha. Natulog ako sa trip like.. 9 minutes? Tas ang hyper ko na ulit. Haha!
"Ang pag-ibig parang expressway.."
Ocean Adventure. Ayun, group 2. Blahblah. Nakakatuwa rin yung aquarium dun. Okay na kahit maliit. Nawala pa nga yung pakaw ng hikaw ko dun e. Haha! Anyway, natuwa rin ako dun sa sea lion show. Akala ko magpeperform lahat ng sea lion samin, di pala. Tsk. Tas yung free lunch? Hindi naman masyadong masarap pero okay na sa isang taong gutom. =)
Tas yun, Wildlife Center. Porma nung fire out if wood. Haha! Porma din nung dalawang unggoy dun. Haha. Ayun, tas dolphin show. Di ako nakikinig nun e. Naka-iPod ako kasi bored ako. Sorry. I know, ang mean ko. Haha! Tas yun, bye Ocean Adventure. :)
- - -
Zoobic Safari. Hello Rex.
Ambaho dun. Sorry. Haha. Tahimik ako dito e. Ayun, enjoy rin yung tiger safari. Yung jeepney ride? Ingay namin e. Haha! Ayun, nakakapagod yung tour. Ang atat pa maglakad nung tour guide namin hindi nangiintay. Haha.
Favorite ko yung sa may Aeta's Trail. Yung dadaaanan na ganito:
Porma talaga e! Ayun, nagenjoy ako dun. Astig rin nung ibang animals. Kaso, dahil zoo nga naman, ang baho nung ibang parts of the zoo. Pero nonetheless, nagenjoy rin ako. Ayun, last na pinuntahan, Duty Free. Wala naman, may air force one dun.. at may havaianas. So havs lang binili ko. Wag na chocolates. Pero, gusto ko talaga ng Toblerone. Haha. Bye. :|
- - -
Uwian.
Ingay ng bus. Saya, naubos ko lahat ng baon ko. Haha. Sobra mangtrip yung mga lalaki sa likod. At dahil, nakainom rin ako.. may hyperness rin ako. Haha. Puro soundtrip pa ginawa namin. Tas kung anu ano pa yung pinagsasasabi ko. Haha! Ayun, enjoy talaga yung pauwi.. Though after nung stopover, tahimik na ako. May mga bagay kasi akong narealize. Pero, masaya. =)
- - -
Don't make me promises, baby you never did know how to keep them well. Ayun, oo. Eleventh. At ito yata ang first fieldtrip na napaiyak ako. Haha! Yes, sorry. And.. we should be letting go? Boto na lahat sayo o. Cause even though you're here, it feels like..
Uhh. Thursday. Sobrang haba nung quiz sa Filipino. Rawr. Haha. Ayun, nakakaantok nung umaga. Sobra.. Daming nagpPSP. Haha! Sobrang antok na antok na talaga ako sa lahat ng subjects.. Parang babagsak na ako, lalo na nung Physics. Sobrang antok yung nararamdaman ko. Haha. Ayun, nung lunch, tamang aral lang sa quiz sa PE. :)
Nung PE na, ang haba nung time namin magaral.. Puro kalokohan sina Jan2, hanggang sa.. "Nay, si joy, nakikisali." Ah. Okay, sobrang nabadtrip ako nun! Thanks talaga. =) So tinulog ko yung inis ko for like.. 10 minutes. Madali naman yung quiz sa PE. Sobra si Alain. Nasobrahan. Ayun, bago magLogic, nabadtrip ulit ako. Haha. Pero, nung logic, report quiz ulit so medyo okay na rin ako. Kaso, nung uwian.. Hay. Sana naubos na lahat ng soundwaves sa mundo nung time na yun. Sana tumigil na yung oras.
Ayun, nung umuwi ako.. gumawa lang ng assignment sa Trigo tas went to Church. Pista kasi ng Nanay Paz. Ayun, so mula seven.. nagprusisyon na kami. Grabe sa haba nung prusisyon. Talagang napagod ako dun. Nakita ko pa nga si Joshe e. Haha. At, kriszel.. kayo ah. :p
Nakauwi na ako mga 9 na. Binadtrip pa ako ng aking ina. Napaluha na naman ako.
- - -
November 14
Ginising ako nung katulong namin, wow. Haha. Ayun, ang aga ko sa school. May mass kasi. Saya, yung dating pari na ulit yung pari na nagmimisa. Ayun, mas nafeel ko tuloy yung presence at ambiance. At syempre, nung nagconfess na ako ng shortcomings.. Naiyak ako. :|
Anyway, halos lahat ng subjects, free time. Mula Filipino hanggang Chem.. Math lang pala. Halos walang ginawa. Tas isang eleven pa yung absent samin. Ayos dba? Ayun, sobrang walang magawa. Natulog rin ako e. Haha. Tas sinipag ako ikopya yung iba ng mga pointers. :p
Nung lunch, ang init! Bago magprogram ang kwela nga pala ni Sir Rondell. Sinayawan ako! Haha. Ang porma e. Ayun, blahblah. Moving on.. 3rd ako sa Science Quiz Bee. Asa naman kasi talaga e. 2 tanong lang nasagot ko. Lahat yun, hula lang. Haha! Ayun, okay lang. Di naman talaga ako nagaral e. Haha. :p
Anyway.. Bigayan ng cards, err! Lahat na lang, it's either retain or bumaba. Shit. Magaayos na nga ako, kaso.. hay. Hirap talaga mag aral e. Niyaya pala ako ni Gia sa kanyang blowout sa Chefoo. Ayun, sumama ako. Sumabay na ako sa kanila.Nalula kami sa dami ng kinain namin. Haha! Ayun, kwentuhan. Saya. Sumunod rin si Sam samin e. Haha. Enjoy, I missed you Gia. :)
- - -
Fieldtrip na bukas! Naeexcite na talaga ako. Hello Subic. After 9 years, magkikita na ulit tayo. Huli akong nagpunta dyan, 6 years old pa ako nun e. Miss you!
- - -
Ten.
Wag na nga kasi magbigay ng motibo ng hindi dapat. Ewan ko, naguguluhan rin talaga ako. Parang ayoko na yata? Pero at the same time, parang.. gusto ko lang kumapit hanggang kaya ko? Nevertheless, ang point dito is PWEDE PA BA? Kasi, sa totoo lang, hirap na hirap na rin ako. Nagtanong ka na rin e.
You need him, I could be him. You need her, I could be her.
At one point in time, nakakapagod na mag-aral.
- - -
Wala naman masyadong nangyari kahapon, halos wala ng absent pwera kay Alain kasi may sakit sya. Pumasok rin naman sya nung hapon e. Anyway, ayun. Steady lang buong araw. Hindi ko alam na may quiz pala kami sa TLE. Haha! Sobrang prepared ako no? Grabe, ni wala akong uwing hand out nung monday. Haha. Pero, ayos kasi.. nakapasa naman ako.
Ayun, nung hapon.. umulan. Bumaha nga sa school e. Buraot. Haha. Ayun, tas may mga nakasabay akong officers umuwi. Ayun, kagabi pala, nag-ayos ako ng files habang nagaaral ako. Nagbabackup ako. Buti naman at "medyo" lumuwag na rin yung harddrive space ko. Nagkaroon naman ng free space, pero kulang parin. Haha. At dahil nakita ko yung mga old pics, narealize ko na.. nakakamiss ang buhay freshmen at sophomore. :p
- - -
Ayun, ngayong araw?
May 2 quiz nung umaga, Physics at Trigo. Yung physics, pakiramdam ko naman na marami akong nasagot kasi nagaral naman talaga ako kagabi.. kaso, yung Trigo, inaral ko na nga, namental block ako! As in, kahit yung sabi nila e.. madali raw, hindi ko masagutan! Sobrang baba ko dun, nararamdaman ko na. Ayun, tas nawala ako sa mood. Sinumpong ako mula Trigo hanggang lunch. Yung isang tao dyan, marunong talaga makaalis ng sumpong ko o. :p
Ayun, nung SS, nagdiscuss lang tungkol sa fieldtrip. Ayoko nang makialam. Haha. Nung Chem, seatwork lang.. Ayun, tas nung Logic, naiiyak na naman ako sa sobrang antok. May report quiz na naman kami dun bukas. Buraot. Haha.
Ayun, paguwi ko.. Nagulat ako. May katulong na raw ulit kami. After4 years, meron na ulit. Tama nga naman, ooperahan nga naman kasi yung lola ko sa linggo. Kailangan ng kasama sa bahay. Hello Dada. Haha. Ang mean ko. :|
- - -
Feeling ko, may mali rin ako. Siguro kasi sinanay ko yung sarili ko na ganito. Ako nga ba yung lumalayo? Ikaw? Ewan ko. Naiilang ka na ba? Kayo?
Hindi ko rin alam kung saan rin ba ako nagkamali, wag kang magaalala. Hahanapin ko kung saan. Hindi ko naman intensyon na ganito yung mangyari. At kung bakit na rin ako nagkaganito? Ewan ko rin. Siguro dahil at one point, nahihirapan na rin ako sa ganitong sitwasyon. Ang hirap lumugar, masikip. Mahirap sukatin yung pwesto na wala naman. Pasensya na kung..
Namimiss na kita, sobra.
(November 11) --> Happy Birthday Ona dela Cruz
(November 12) --> Happy Birthday Mark Baldelobar --> Happy birthday Sir Rodel Salabao
This is the way they'd love, if they knew how misery loved me.
Ayun, nung sabado. CAT was tiring so umuwi na ako agad. Bought my favorite cake para gumanda na yung mood ko. Watched coffee prince all throughout the day. Then slept early.
- - - Yesterday..
Read well. Ganda. Natuwa ako dyan e. =)
Ayun, my mom dropped me at SM Bacoor. Ayun, stroll. Tas nag-grocery lang ako para sa fieldtrip namin next week. Makikipyesta rin sana ako sa Cavite kaso.. hindi na rin ako nakapunta. Umulan e, late afternoon na rin. Ayun, di na rin ako tumuloy.. NagPSP lang ako maghapon, masakit rin yung katawan ko e.
- - -
Ngayong araw?
Nabadtrip lang ako ng malupet nung first subject namin. Ah, basta. Ayun. Tas tinamad na rin ako nung mga sumunod na subjects. As in.. parang, okay bye. Anyway, nasa mood na ulit ako nung lunch. Joshe kasi e. Haha. Tas nung Trigo, ang hyper ko. Haha. Bronx pa kasi e, tiningnan pa. Dapat hindi na pinansin. Haha. Ayun, nung TLE, natuwa naman ako, medyo nagegets ko na rin yung programming pero.. ang hirap pa rin e. :(
Nakakatamad na pumasok. Nakakasawa na mag-aral.
- - -
Yehey! May bago na akong adaptor ng laptop. Thank you Tito Chito. Haha. Padating na raw yun bukas e. Haha. Ayun, ayos. At natapos ko na rin yung Coffee Prince ngayong gabi, napaluha rin ako. Sweet kasi e. =)
Napansin ko lang.. dumadami yung kaclose ko na boys? Hindi naman ako naiilang, mas marami nga akong naoopen sa kanila kung minsan e. Minsan, napagisip ko na rin. Parang gusto ko ring maging lalaki. Haha. If I we're a boy.. I swear, I'd be a better man. :)
- - -
Umamin ka, hindi ka dating ganyan. May nagbago sayo na hindi ko alam kung ano o paano nga ba nangyari yun. Ganyan ka nga naman palagi, hindi ka na magbabago. Masaya ka na naman ngayon? Goodluck, mukhang okay ka na naman ah. Sige, okay lang rin ako. Oo. :)
--> Happy Birthday Maam Abbeygail Fama --> Happy Birthday Sir Paulo Gamat --> Happy Birthday Kuya TJ Saquilayan
Yes, I am just a lost kid living in this challenging world for 15 years and yet I still cry whenever I got problems in front of me. I really don't have any problem today.. It's just that all the pain and misery I've encountered for so long.. I just want to cry them out for I might die without releasing this pain. This blissful life I've had gave me a yearning to change myself.. yes, change myself. I'm just being myself and still, even I is never getting used to the things of the ups and downs.
I am physically, socially, spirituality and emotionally weak.
Life is like you're being the vendor of your own life. You give your best just for you to have the things that you know, will keep you living and surviving life. You sell things that you know, you even sell yourself to provide them what you need. Yet, not all vendors suceed, not all businesses of life will shine. There will always be a failure. But you need to stand up again for you to have an income and still survive life. There will always come a lot of buyers but not all of them will give you something in return. So don't expect windows shoppers to buy. Loyal buyers are the ones who will support you business till the end. And that what life is all about. Being a vendor of your life.
As much as possible, I know and I believe that whatever someone has did something good to me.. I appreciate it with all my heart. But, why does.. when I do something.. no one seems to care?
And still, for all these tears, still no one can barely understand me.
And see? I am fucking sick right now. Thanks pillows.
JF. :(
--> Happy Birthday Ninang Sol >46 days before Christmas
“If you have the confidence to only love me from now on, follow me. If you don’t, leave.”
- - -
Yesterday.. uh, maaga ako pumasok. Ayun, tas nagulat lang ako nung umaga kasi, someone went to our room tas yun, talked to me. Seryoso, ang awkward tingnan ng mga bagay bagay. Simply put into words, hindi ako sanay. Haha. Ayun, ayos naman nung umaga. Boring like hell pero masaya, halos lahat yata ng bagay e napagkwentuhan namin ni Alain, haha. Design rin ng tshirt blah blah na puro kaguluhan. Wag na lang sumali, haha. Katuwa e. May mga pilit pa ring sumisira ng araw ko, haha. Sige lang! OP! Ganyan nga naman. :p
Ayun, tas nung PE, volleyball parin. May quiz raw kami ron next week. Ay o? Haha. Tamang kwentuhan lang nung PE. Tamang PSP, vanity. Haha. Walang magawa e. Nakakatamad. Walang badminton amp. Haha. Ayun, nung Logic, report na halos lahat ng groups, hindi prepared. Ayun, masaya naman. Rawr.
Ayun, selos eh no? Nakakatampo naman.. buti pa sya, ayy oo. Haha. Tambay sa court. Kakwentuhan ko lang si Maam Alvizo. Haha. Sobrang namiss namin ang isat isa. Tas yun, kasabay ko si Yeye umuwi. =)
Ang nakakasira nga naman ng araw e.. sira yung aaptor ng laptop ko ngayon! Wow. Ang taas kasi nung binagsakan e. Alangan namang sisihin ko yung nakabagsak na bata dba. Hayaan na. Pero gusto ko na ng adaptor! :p
- - -
Ngayong araw..
You know its just too little, too late. TOO LATE.
Ang bilis. Friday agad. Rawr.
Ayun, ang hirap ng 40 items quiz kanina sa SS, wala rin akong kasiguraduhan sa lahat ng sagot ko sa Chem. Haha. Mahusay, wala naman masyadong ginawa nung umaga, Tamang lesson lang, pero mahirap pa rin ang Math, kahit anong mangyari. Haha.
Nung lunch, nagulat ako nung biglang may kumausap sakin. "Bakit pag si K___, binibigyan mo? Ikaw naman, ganoon na ba talaga kasi sinaktan kita dati? Ako naman si Shushibee e." OO NA LANG. Haha. Nung lunch, may topak ako. Malakas. May hirit pang.. "Ay, hindi mo ba alam na walang makakapalit dun?" Oo na lang talaga. =))
Ayun, nung Trigo may topak parin ako. Ang init kasi e. Haha. Ayun, steady lang. Tamang hinala! Nung TLE, first time naming maghands on ng C++ orgramming. Partner ko si Eubs. Haha. Ang hirap pala nun! Grabe. Tas nung physics, wala lang, hindi ako nakikinig e. Haha. Nung uwian, tatambay na sana ako kaso.. binadtrip ako ni Joshe. =)
- - -
Myx Mo! 2009 kahapon sa MoA. Mukhang maraming nagpunta. Aww. Sobrang miss ko na talaga Calla, swear. Di bale, 16 days more, Acosta. ♥ Konti na lang yun o. Haha. At shit. Kaguluhan Festival bukas sa Cavite School of St. Mark sa Bacoor, shit. Gusto ko pumunta. Valley of Chrome! Shit, samahan mo ako, please? :)
- - -
OO NGA PALA...
Hindi ko maintindihan, wala rin kasi siguro akong dapat intindihan dba? Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka? Hindi naman siguro tama na walang dahilan yan dba? Nalilito ako. Gusto ko makawala, gusto ko magvanish para wala akong maramdaman. Ganoon ka pala kamanhid no? Pero ngayon ko lang narealize kung ano na nga ang kailangan ko, ang gusto, ang makakapagpasaya sakin. Mali man o mali parin. Lahat yun ang magapatama sa akin.
Late ako (?). Wala man lang bagong record kay Ms. Vidal, rawr. I was in the mood all throughtout the day. Quite bored, I'm still not used to going back to school again. And for the fact that, I don't want to see certain people for now, because of the fact they can't accept my simple apology.
My adviser talked about grades.. honor pupils. And talk about my grade in TLE, I was nearly again crying. I ended up smiling of course. A purple note made my day. Guess who. Guess what. And lastly, I am becoming more excited about our fieldtrip. Kbye.
- - -
Mag-rereflection na lang ako. :p
"You may love someone else but my heart belongs to you."
Eh? Ano? Haha. Napaka reflective ng araw na to. Tama nga si alain, hindi lahat ng bagay madaling ifigure out kung ano nga ba ang kahulugan. Maaring akala mo, alam mo ang ibig sabihin ng mga bagay pero, hindi mo alam kung ano nga ba ang halaga nito. Hindi mo masasabi na ikaw lang ang nahihirapan sa mga ganitong sitwasyon.. Kasi may mga tao nga naman na nauubos na yung brain cells kakaisip ng "gagawin nila".. Mali, rephrase. May mga taong nagiisip nga ano nga bang "dapat gawin" at "tama na gawin" nila. :p
Medyo awkward yung feeling ko. Naluto rin sa sariling kulo yung utak ko sa kakaisip nga mga bagay na gumugulo sa isip ko. Simple lang, hayaan mo lang ang mga bagay na ito na pumwesto sa dapat nilang kalagyan. Wag na nga namang magexpect, pero isipin mo na ang lahat ng ginagawa ng isang tao para sayo ay hindi lang para sayo.. kundi para rin sa kanya, kasi nahihirapan rin sya magisip ng techniques kung paano ka nya mamahalin sa mga panahong ayaw mo aminin na gusto mo na rin syang mahalin.
Parang ano lang yan e, "Kung mahal ka ng isang tao, pahalagahan mo lahat ng bagay na ginagawa nya para sayo.. Parang mangga lang yan na hilaw na pag nahinog at hindi kinain, mabubulok sa ayaw mo man at hindi. At hahanap hanapin mo na lang ang tamis nito pag wala na.." Tama naman dba? Kaya kung ako sayo, hanggang andyan pa nga naman, wag sayangin, iappreciate mo yung fact na may nagaalala sayo, nagproprotekta, nagmamahal. =)
At lastly, sinong nagsabi na after ng break-up sa isang relationship eh madalas yung babae ang naghahabol? Kalokohan yun! Hindi lahat. Dahil sa isang break-up, oo, mas masakit lagi sa part ng babae. Let's face it, babae madalas ang laging lugi sa isang relationship. Pero umamin ka man o hindi, after a couple of months or years, lalaki pa rin ang madalas makamiss sa babae. Oo, namimiss ng babae ang isang lalaki pero iba ang pagkamiss ng isang lalaki sa isang babae. Dadating rin lagi yung point na parang gusto na nya magtanong muli kung kaya pa magwork out. Nareflect ko lang yan. Haha. :p
Natatawa ako. Tumawa ka. Tawanan mo sarili mo.
- - -
Forgotten.
Congratulations to Barack Obama for making such history for being the first black american president of the United States. Congratulations on your landslide victory. You proved, discrimination is always unbearable.
So last sunday, I went to SM Bacoor together with Annel and Jacklyn, ayun. We watched 'My Only ü'. Gusto kasi panoorin ni Jacklyn yun e. Ayun. Stroll the mall. National. Nung kakain na sila sa Dunkin Donuts, nauna na ako. Masakit yung puson ko e. Ayun, went home alone. Badtrip na nga ako, inaway pa ako nung isang tao dyan. =) Saya!
- - -
Yesterday, went to DFA with my mom (First time ko dun haha) Got an affidavit for my lola. Kukuha rin sana ako ng parental consent e. Ayun, HK Sun Plaza then MoA. Ate lunch at Mang Inasal (namiss ko to!) tas yun, stroll. ought new pair of chucks. Mcdonald's before going home tas ayun, nag-away kami ng mom ko. Ayos talaga dba?
It's just that. I find that so unreasonable. Pwede naman kasi talaga kung nasa lugar, kaso.. wala e. Wala sa lugar, the more na gusto ko intindihin, the more nya ako binigyan ng reasons na mainis.
Buti na lang.. napasaya parin ako nito.:
Started to watch 'The 1st shop of Coffee Prince'.
- - -
Tas ngayong araw, last day na ng pagmumuni muni ko. Babalik na ako bukas sa tunay na mundo na ayoko pang balikan. Distribution of cards sa friday. Grade ko sa TLE? Ano kaya?
Natulog lang ako maghapon, nanood ng Coffee Prince. Full time marathon, gusto ko na nga syang tapusin agad e. Haha. Ayoko pa pumasok bukas.. Yun lang.
If tears fall from my eyes, why should I? Should I fall the same way badly?
Finished Princess Hours around 4am today, slept around 4:30, 4 hours sleep. A misunderstanding with my mom. A quarrel with a very close friend. Anxiety. Pain.
Akalain mo November 1 na. Ayun, puro tulog lang ang ginawa ko nung umaga, supposed to be, nagpunta na ako sa panchong (sementeryo) nung umaga palang kaso nag-away kami ng mom ko so, hindi na ako tumuloy. Tinulog ko na lang yung badtrip ko. Nagising ako, 1pm na. Haha! :p
Ayun, before 4pm, nagpunta na rin ako. Panget ng kuha ko dito. :p
Ayun, daming tao. Hindi masyadong mainit. Ang kalaban mo lang: putik. Sobrang putikan talaga! Grabe, at syempre yung taong most likely makikita ko talaga kahit anong iwas ko, nakita ko nga sya. Nung una, awkward. Kasi, parang nagulat pa kami na makkita namin yung isa't isa. Haha. Tinitigan lang namin yung isa't isa. :p
Boy: Hoy! Balita? Purple na purple tayo a! Girl: Oo nga e, favorite color ko pa. Boy: Kamusta ka na naman? Girl: Okay lang, ikaw? San ka papasok? Boy: Di ko pa alam e, pag sa manila ba ako magcollege, hahanapin mo ko? Girl: Ewan.
Haha. Ako na bitter. Haha. Ayun, went to Love. Saw Anj, Coise, Tomo, Jan2, Terell and Lance. Haha. Marami pa. Sayang nga e, wala si Joshe. Di kami kumpletong mga tukmol. Haha. Ayun, daming tao sa love grabe. Ayun, tas.. uhh. Wala same scenarios. Missed you Kuya JP! Sarap maghanap ng chicks kanina no? =) Haha. Kwela din ni Ate Jhen nung binentahan ako ng burger mcdo. Haha.
And for the record, aga naming umuwi. We left the cemetery like.. 9:20 pm? Aga talaga. Sobra. At, for this first year, hindi pa rin ako sanay na wala na si Lola Letty. :(
- - -
Six. For tears that fell for no reason why. Maybe, this is really what It is supposed to be. Missing someone you wished you.. forget about it. :p
Born on 08/27/93. Youngest Child. Amcanian at heart. Loves Asian Dramas. Coffee Addicted. God-Fearer.
De La Salle University - Manila Frosh. AB Communication Arts. LR17!
Hates Math. Frustrated Drummer and Doctor. Skittles makes her happy. Internet is essential.
Very moody, bossy at times. Apathetic. Generous. Seeker of truth. One of a kind. Dreamer.
Wants to be successful in the field of Media someday. And a modern Juliet who died with Romeo.
Currently
22 May 2010
drinking: Coke
eating: Chowking's Chao Fan
feeling: Excited!
listening: Coheed and Cambria - The Suffering
random: .
Wishlist
no money in the bank yo!.
IAAAAN!♥
new laptooooop.
more skittles.
polaroid camera.
happiness
dSLR.
polos!
DLSU Lanyard
condo unit if taft. :p
dark chocolate cake!