ironized opened friday
Friday, May 09, 2008
SERIOUSLY, THIS IS FIRST TIME TO HAPPEN.
Since yesterday, I just had 2hours sleep, sobrang walang tulog. Natulog lang ako from 2am-4am tas hanggang ngayon (8pm), di pa ako natutulog ulit.
Anyway, so anong ginawa ko nung madaling araw? YM. May kausap lang akong isang tao dyan. Nung una, medyo malabo kausap pero ayos na nga yata ang lahat saming dalawa? haha. infairness, namiss ko tong panahon na to. Ngayon lang ulit ako naging ka-open sa opposite sex. Sorry na. I missed you. Thank you. =)
So, yun hanggang 8am, may kausap ako. Dineretso ko na. Magkikita kita kamo ng 9am e. Ayun, medyo nagkalituhan kung saan kami sasakay, naawa naman ako kay jacklyn, kaya sige na nga. Pumunta na kami sa kanya, anyway. Ayun, binisita namin si Coi at Ann na tulog pa! Haha. At yun, dumating na si tomo. :p

Nawala talaga lahat ng antok ko e! Hahaha. Na-LSS nga pala ako sa kantang Stay(I missed you). Yung revived ng NFG ah. Gusto ko rock e. Bakit ba? Ayun, tamang tawanan lang sa bus. Napakaingay namin e. Sobrang pinagtitinginan kami? Lakas kasi tumawa ni Jacklyn e! Haha. Kahiya naman diba. :p Pero nakakairita pa rin ang traffic e! Sobra.
Ayun, dumating kami dun around 11:30 na rin yata. Uhm. Bili tickets tas kain sa food court. Nakakatawa dun e! May stalker si Tomo, grabe. Tas masyadong pinagaagawan yung table namin! Haha. Tas naghanap si Ciarra ng perfect hoodie na type nya sa PRP. Ayun, ikot ikot, balak rin bumili ni tomo ng damit e.tas mga 1pm, nagpunta na kami sa theatre.
Iron Man! Sa wakas, napanood ko rin. Actually, naaliw ako. Not the usual story kasi e, though andoon yung revenge at grudge, iba pa rin sa lahat ng marvel stories. Astig nga e, kasi parang dalawang iron man yung kinalabasan. Yung story kasi itself, iikot talaga sa trusting someone e. Maganda talaga yung movie, kaso bitin. Parang pinakilala lang si Iron at ipinakita kung paano naging Irom man yung tawag. Basta, malabo rin e.
Pero yung pagkakagawa naman sa movie itself, ayos na ayos sakin. =)
- - -
Ayun, tas uhm. Tamang kwentuhan, tawanan at bonding lang sa Starbucks. Tamang chill lang. Medyo nagkaroon kami ng hangover sa Iron Man e. Tas kung ano anong topic nlang yung naiisip namin pagkwentuhan tas tatawa na lang kami bigla. Haha. ;p

Sayang, naka grande na sana kanina si Ciarra o. :p
Tas National Bookstore lang kasi bibili si Tomo ng card for Mother's Day. Haha. Sweet noh? Sana ganoon rin ako e. Haha. Ayun, after nun. Umuwi na rin kami. Mga 5 andun na kami sa sakayan. Kwentuhan pa rin habang nagiintay ng van. Tas, ayun. hanggang sa van, kwentuhan pa rin! Ayun, umulan.
Mga 7, nasa bahay na ako.
- - -
Siguro pagsapit ng 10, matutulog na ako. Hanggang bukas na yun. Kailangan ko matulog ng magdamag ngayon kasi hinde ako nagbrebreak ng promise. At bukas po, bibili na po ako ng milk na iinumin ko bago ako matulog. =)
Ngayon lang to nangyari, ang bata bata ko pa pero sanay na sanay na ako magpuyat. Wala na akong energy! Hahaha. Osiya, maitry ng matulog! =)
Goodnight.
Labels: bonding, gala, happy memories, kilig moments, walang tulog
