:-"
Sunday, April 27, 2008
So, ayun. Hmm. Wala naman masyadong nangyari ngayon. Hmm.
Nagpunta lang kami ngayon ng aking pinakamamahal ng lola sa SM Bacoor, naglibot ng konti. Tumingin ng kung anu ano. Hmm. Gusto ko ng shopping money. Gusto ko bumili ng mga bagong damit e. Argh. Gusto ko magshopping. Shopping as in shopping talaga.
Tas yun, nag grocery kami. Para sa nalalapit na fiesta ng Noveleta. Haha. Nakita raw ako ni Issa pero hinde ko siya nakita. Hindi naman ako binati, nahihiya siguro. Hahaha. Mga 6, nakauwi na rin ako. :)
- - -
Naramdaman mo na mawalan ng kaibigan?
Nararamdaman ko na naman. Feeling ko talaga medyo nasa kanya yung mali e. Sorry. Hindi naman sa sinisisi ko siya pero yun yung nakikita ko e. Parang iba na lahat. Hindi na katulad dati. Gusto ko isave yung friendship pero hindi naman ako kinakausap. Gusto ko mabalik yung dati. Yun lang naman e. Gusto ko yung tipong nagkwekwentuhan. Hindi tulad ngayon, feel na feel ko na ilang na ilang siya sakin.
To think na one year na rin halos. Wala e. Sobrang nakakahinayang. Sana maisip nya rin yung naisip ko. Sana mamiss nya rin ako.
Hmm.
